Connect with us

Nationwide mall sale sa buong buwan ng Marso, ipinagpaliban ng DOT

National News

Nationwide mall sale sa buong buwan ng Marso, ipinagpaliban ng DOT

Ipinagpaliban muna ng Department of Tourism (DOT) ang ikinasa nitong nationwide month-long sale ngayong buwan ng Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, hindi maaaring isantabi ang kaligtasan ng publiko para lang matugunan ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 kaya nila itinigil muna ang planong mall sale.

Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat

Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat

Matatandaan na hinikayat ng DOT ang mga mall owners sa buong bansa na magpatupad ng sale sa buong buwan ng Marso para makahakot ng mga turista at mamimili.

Bunsod ito ng naging epekto ng COVID-19 sa turismo ng Pilipinas matapos ipatupad ang travel ban sa China, Hong Kong at Macau.

Ayon sa DOT, kung tatagal ng hanggang Abril ang kanselasyon ng mga flights papunta at palabas ng Pilipinas, ay posibleng lumobo ng hanggang higit P40-B ang lugi sa tourism sector.

More in National News

Latest News

To Top