Sports
NBA, nakatanggap ng pambabatikos dahil sa pagkakaroon ng mabilis na access sa COVID-19 test
Dinepensahan ni National Basketball Association (NBA) Commissioner Adam Silver ang mabilisang pagsailalim sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) testing procedures sa mga manlalaro nito matapos makatanggap ng pambabatikos sa publiko.
Umani ng negatibong komento ang liga dahil sa isinailalim din nito ang mga manlalaro nitong hindi naman nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Depensa naman ni Silver, sinusunod lamang nila ang rekomendasyon ng public health officials.
Ayon kay New York City Mayor Bill de Blasio, hiling nila ang mabilisang recovery ng mga manlalarong nagpositibo sa COVID-19 ngunit aniya ay hindi naman kailangang i-test ang buong manlalaro ng NBA gayong maraming critically ill patients ang nag-iintay para mai-test.
Dagdag pa ni de Blasio, ang mga test kits ay hindi dapat para sa mga mayayaman kundi para sa may mga sakit.