Connect with us

NBI, naghain ng murder complaint laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag

NBI, naghain ng murder complaint laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag

National News

NBI, naghain ng murder complaint laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag

Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng murder complaint laban kay dating BuCor Chief Gerald Bantag at sa 6 na iba pa dahil sa pagkamatay ng isang inmate.

Ang naturang inmate ay si Hegel Samson na namatay noong Nov. 7, 2020 sa National Bilibid Prison Hospital.

Sa autopsy, sinabi ng NBI na namatay si Samson dahil sa heart attack na posibleng pinalala dahil sa asphyxiation o suffocation.

Matatandaang sa isinagawang imbestigasyon ay umamim ang 4 na inmates na kanilang binalot ng plastic bag ang ulo ni Samson kaya hindi ito nakahinga.

Kapareho rin umano ang uri ng pagkamatay ni Samson sa inmate na naging middleman sa Percy Lapid case.

Samantala, sinasabi ng 1 sa 4 na inmates na mismong si Bantag ang nag-utos na patayin ang isang “Leon Bilibid” dahil komokontra umano ito sa kanya.

Binatikos ni Samson si Bantag sa social media dahil sa umano’y pagpayag nito na makapasok ang mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng dating BuCor chief.

More in National News

Latest News

To Top