Connect with us

NBI, nilinaw ang patakaran sa pag-aresto ng mga dayuhan

NBI, nilinaw ang patakaran sa pag-aresto ng mga dayuhan

National News

NBI, nilinaw ang patakaran sa pag-aresto ng mga dayuhan

Mariing itinanggi ni Director at retired Judge Jaime Santiago ng National Bureau of Investigation (NBI) na tinarget ng pamahalaan ang mga Chinese national sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, walang sinisino ang NBI at ang layunin nila ay ipatupad ang batas laban sa sinuman, Pilipino man o dayuhan.

Inamin ni Santiago na marami sa mga nahuli nilang Chinese national ay konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), isang industriya na ipinagbabawal sa China, ngunit iginiit niyang hindi nila binibigyan ng espesyal na atensyon ang mga Chinese.

Humiling siya ng pang-unawa mula sa Chinese Embassy at nilinaw na ang mga operasyon ng NBI ay para sa kapakanan ng batas at hindi upang mag-target ng anumang lahi.

More in National News

Latest News

To Top