Connect with us

NBI, nilinaw na voluntary surrender ang ginawa ni NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada at kanyang kapatid

NBI, nilinaw na voluntary surrender ang ginawa ni NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada at kanyang kapatid

National News

NBI, nilinaw na voluntary surrender ang ginawa ni NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada at kanyang kapatid

Walang warrant of arrest nang magsurrender si NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada sa National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan.

Ito ay ayon kay NBI Special Action Unit Executive Officer Agent Kristine Dela Cruz sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya, boluntaryo lang silang lumapit sa NBI kasama ang kanyang kapatid at kusang sumuko.

Ang magkapatid na Lozada ay dawit sa maanomalyang land deal na may kinalaman sa state-owned Philippine Forest Corp.

“Nag-voluntary surrender siya sa amin based before pa lumabas ‘yung kanyang waraant of arrest. So, ina-anticipate na niya na lalabas na ‘yung warrant of arrest niya sa conviction niya as guilty doon sa violation ng Section 3(e) ng Republic Act 3019. Ang case na involve dito no, actually, ‘yung isang land mill na involving state-owned, Philippine-forest corporation,” ani dela Cruz.

Mababatid na taong 2016 nang ipinagtibay ng Korte Suprema ang graft case laban kay Lozada kasunod ng pagbibigay nito ng leasehold rights at unwarranted benefits sa 6.599 ektarya ng public land sa kanyang kapatid na si orlando.

Si Lozada ay dating presidente ng state-owned firm na Philippine Forest Corp.

Sa ngayon, inaantay ng NBI ang commitment order mula sa korte ng Sandiganbayan para mailipat ang Lozada brothers sa New Bilibid Prison mula sa detention facility ng NBI.

More in National News

Latest News

To Top