Connect with us

NBN-ZTE deal whistleblower na si Jun Lozada at kapatid, pinalilipat na sa NBP

NBN-ZTE deal whistleblower na si Jun Lozada at kapatid, pinalilipat na sa NBP

National News

NBN-ZTE deal whistleblower na si Jun Lozada at kapatid, pinalilipat na sa NBP

Kinumpirma ng NBI-Special Action Unit na nag-isyu na ng pormal na kautusan ang Sandiganbayan para ilipat sa New Bilibid Prison (NBP) si NBN-ZTE deal witness Jun Lozada at kapatid nito na si Jose Orlando.

Gayunman ay sinabi ng NBI-SAU na bagama’t may committment orders na mula sa Sandiganbayan ay hindi pa maililipat agad ang magkapatid na Lozada sa NBP dahil kinakailangan ng negatibong COVID-19 swab test result bago mailipat ang mga ito sa pambansang kulungan.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang nakadetine ang dalawa sa NBI Detention Center sa Maynila matapos kusang-loob na sumuko noong nakaraang linggo bago lumabas ang warrant of arrest order ng Sandiganbayan Fourth Division.

Magugunitang ang dalawa ay hinatulang guilty sa kasong katiwalian ng Sandiganbayan kaugnay sa land deal sa Philippine Forest Corporation kung saan dating CEO si Jun Lozada.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top