Connect with us

NBP, hindi na tumatanggap ng mga bagong bilanggo

NBP, hindi na tumatanggap ng mga bagong bilanggo

National News

NBP, hindi na tumatanggap ng mga bagong bilanggo

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi na sila tumatanggap ng mga bagong persons deprived of liberty (PDL) bilang preparasyon para sa pagsasara ng New Bilibid Prisons (NBP) sa 2028.

Ipinaliwanag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa ngayon ay nasa ilalim na sila ng proseso ng pag-decongest ng nasabing piitan.

Samantala, agad namang nilinaw ni Catapang na ang mga PDL na sinentensyahang makulong sa NBP ay pansamantalang idedetaine sa Reception and Diagnostic Center (RDC) sa loob ng 60 araw at pagkatapos niyan ay inililipat na sa ibang operating prison at penal farm sa labas ng Metro Manila.

Nabatid na ng RDC ay isang special unit sa loob ng pasilidad ng BuCor kung saan ang mga bagong bilanggo ay sumasailalim sa diagnostic na pagsusuri, pag-aaral at obserbasyon para sa pagtukoy ng programa ng pag-gamot at pagsasanay na nababagay sa kanilang mga pangangailangan at sa institusyon kung saan sila dapat na ilipat o ikukulong.

More in National News

Latest News

To Top