National News
NCAA, magdo-donate ng P500, 000 worth na personal protective equipment
Nakatakdang mag-donate ng P500,000 worth ang National Collegiate Athletic Association ng personal protective equipments para sa mga frontliners.
Sa isang pahayag, sinabi ni NCAA Management Committee Chairman Peter Cayco ng Arellano University na ang mga PPE ay ibabahagi nila sa mga ospital sa metro manila.
Dagdag pa nito na kahit ang bawat paaralan na kasama sa NCAA ay may kanikanila ng nagawa na pagtulong laban sa covid-19, ito ang unang pagkakataon na sila ay magkakaisa bilang isang pamilya.
Ang 10 mga paaralan ay nasabing may naitulong na sa proyektong ito na makatutulong sa gitna ng crisis.
Sa huli, umaasa at nananalangin ang buong ncaa na ang maitigil na ang banta ng COVID-19 pandemic.