Connect with us

NCRPO, nag-deploy ng mahigit 7K pulis para sa FPRRD birthday rallies

NCRPO, nag-deploy ng mahigit 7K pulis para sa FPRRD birthday rallies

National News

NCRPO, nag-deploy ng mahigit 7K pulis para sa FPRRD birthday rallies

Nasa 7,661 police personnel ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa mga gagawing rally kasunod ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ng NCRPO kasabay ng mga naiulat na mga gagawing pagtitipon ng mga tagasuporta ng dating pangulo sa Metro Manila.

Ayon sa pulisya, nais lamang nilang tiyakin na magiging maayos ang aktibidad para sa kaarawan ni Tatay Digong lalo na ang kaligtasan ng mga dadalo rito.

Matatandaang, hindi lang sa NCR magsasagawa ng birthday rallies ang pro-Duterte citizens kundi kasama rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo.

Posibleng tumagal ang mga pagtitipong ito hanggang alas dose ng madaling araw ng Sabado.

Sa NCR, itatanghal ang “Global Tribute to Tatay Digong” sa Liwasang Bonifacio at sa Paco, Maynila.

More in National News

Latest News

To Top