Connect with us

NCRPO, naghahanda na para sa SONA; Higit 22-K pulis, ipapakalat

NCRPO, naghahanda na para sa SONA; Higit 22-K pulis, ipapakalat

National News

NCRPO, naghahanda na para sa SONA; Higit 22-K pulis, ipapakalat

Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ika-3 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa darating na Hulyo 22, 2024.

Ayon kay NCRPO at Task Force SONA Commander PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr.,maaga pa lang ay sinimulan na nila ang pagsasagawa ng simulations upang malaman kung epektibo ba ang kanilang mga inilatag na preparasyon.

“Sa paghahanda para sa nalalapit sa State-of-the-Nation Address (SONA), nag sisimula na tayong magkaroon ng simulations upang mag karoon tayo ng ideya kung magiging epektibo ang ating mga inilatag na preparasyon.”

Dagdag pa ng opisyal na sa darating na SONA ay hindi lang pwersa na magbabantay sa seguridad ang kanilang ipapakalat dahil maglalagay din sila ng para sa medical assistance.

Pagdating naman sa deployment, sinabi niya na nasa mahigit 22-K pulis ang kanilang ipapakalat sa iba’t ibang border control points kung saan gaganapin ang SONA.

Ito’y kahit nga wala pa naman silang namomonitor na banta sa seguridad.

Ani Nartatez, “Mag tatalaga tayo ng mahigit 22,621 na kapulisan sa iba’t ibang border control points kabilang ang paikot sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA.”

Sa nasabing bilang, nasa mahigit 17-K pulis ay mula sa NCRPO, mahigit 1-K naman ang mag mumula sa iba pang unit ng Philippine National Police (PNP) kabilang na ang mga pulis mula sa PRO3,  PRO4A at mahigit 2-K mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan at mga force multipliers.

More in National News

Latest News

To Top