COVID-19 UPDATES
NCRPO police na nagpositibo sa COVID-19, gumaling na
Gumaling na ang isang pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na unang nagpositibo sa
Masayang ibinalita ito ni NCRPO PMGen Debold Sinas at sinabing si NCRPO COVID-19 Patient #3 ay matagumpay na naka-recover matapos ang halos dalawang linggong pakikipaglaban sa naturang virus.
“We celebrate with the family, friends and loved ones of our comrade patient#3 for his recovery. We are proud of him for fighting a good fight. We can’t be any happier to see him back. His experience is a clear manifestation that the good Lord blesses his cops in the frontlines and strengthens us amids this crisis,” saad ni Sinas.
Tiniyak naman ni Sinas na ipagpapatuloy ng NCRPO ang istrikong pagpapatupad ng precautionary measures laban sa COVID-19 pandemic, tulad ng pagmamando sa mga boundary sa Metro Manila nang 24 oras.
“We are not CoViD resistant. As we head on to the frontline, the risks that we will be infected by this disease is high. Hence, we are strictly implementing precautionary measures. This is our duty and we will carry on the task. So please, stay home to prevent the virus from spreading further,” dagdag ni Sinas.
Samantala, sasailalim pa rin sa health security protocols at 14-day quarantine measure si NCRPO Patient #3 habang nasa loob ng kampo.
Sa kasalukuyan mayroong siyam na COVID-19 patients ang NCRPO, kung saan apat dito ay gumagaling na habang wala pa namang naitatalang nasawi sa virus.
