National News
NDF, kakasuhan sa paggamit ng anti-personnel mines ng NPA sa mga sundalo sa Northern Samar
Kakasuhan ng militar ng paglabag sa .
Ito ay matapos ang paggamit ng Anti-Personnel Mines (APM) ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng gobyerno sa Mapanas, Northern Samar na ikinasugat ng 7 sundalo.
Ayon kay Philippine Army 8th Infantry Division Commander Major General Edgardo de Leon, tumatayong kinatawan ng NPA ang NDF sa pakikipag-negosasyon sa gobyerno, kaya pananagutin nila ito sa mga iligal na aktibidad ng grupo.
Inilagay aniya ang APM sa lugar kung saan dumaraan din ang mga sibilyan.
Binigyang-diin ni De Leon na ipinagbabawal ang paggamit ng APM pero hindi nagawang pigilan ng NDF ang NPA kaya nagpatuloy lang ang mga ito.
Tiniyak naman ng militar ang pagbibigay ng medikal na atensyon sa 7 sundalo na nasugatan.
Sa inilabas na impormasyon, nagtamo ng multiple shrapnel wounds sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang karamihan sa mga sundalo at wala namang sibilyan na nadamay.