Connect with us

NDRRMC, pumalag sa batikos sa pamamahagi ng relief goods sa bagyong Odette

NDRRMC, pumalag sa batikos sa pamamahagi ng relief goods sa bagyong Odette

National News

NDRRMC, pumalag sa batikos sa pamamahagi ng relief goods sa bagyong Odette

Pumalag ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga puna sa hindi umano organisado ang pamamahagi ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, organisado ang kanilang relief operations at patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga disaster council at local government unit (LGUs)

Puspusan din aniya ang ginagawa nilang pagtulong upang maabot ang lahat ng nangangailangan.

Sa datos ng NDRRMC ngayong Miyerkules, Disyembre 29, 2021, umabot na sa 397 ang mga napaulat na nasawi, 1,147 ang mga nasugatan at 83 ang mga nawawala.

Higit 1 milyong pamilya o 4.1 milyong indibidwal naman ang naapektuhan ng bagyo mula sa 38 probinsya.

Samantala, P16.7-B halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura at P5.5-B sa agrikultura.

More in National News

Latest News

To Top