National News
NEDA, nagsagawa ng mga programa para maibsan ang epekto ng COVID-19 crisis
Naglatag ng three-phased program ang National Economic Development Authority (NEDA) upang mabawasan ang nararamdamang epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa isinagawang Laging Handa public briefing sa gitna ng pag-amin nito na hindi makaliligtas ang Philippine Economy sa harap ng nararanasang krisis bunsod ng Coronavirus.
Kabilang aniya sa three-phased program ng neda ay ang (1) response phase; (2) ang mitigation phase, kung saan iniiwasan dito na makaramdam ng gutom ang mga nasa hanay ng lower income; at ang (3) naman ang transition to the new normal, kung saan hindi pa alam kung kailan ito magaganap.
Sinabi pa ni Edillon, na preparado aniya ang gobyerno sa mga polisiyang maaari nilang ipatupad sakaling masimulan na ang transition to new normal.
Inihayag ng NEDA na magbibigay talaga ng downward economic pressure ang nararanasang krisis dahil sa COVID-19.
Sa kabila nito, sinisikap ng ahensya na hindi dumating sa puntong babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.