Connect with us

NEDA Sec. Pernia, nagbitiw sa pwesto; Pagbaba sa pwesto, tinanggap ni Pang. Duterte

NEDA Sec. Pernia, nagbitiw sa pwesto; Pang. Duterte, tinanggap ang pagbibitiw

Breaking News

NEDA Sec. Pernia, nagbitiw sa pwesto; Pagbaba sa pwesto, tinanggap ni Pang. Duterte

Nag-resign sa puwesto bilang kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) si Sec. Ernesto Pernia sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.

Sa kanyang statement, sinabi nitong personal at pagkakaiba ng development philosophy sa kapwa mga gabinete ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

“After reflection during Holy Week, and consultations with my family and close colleagues, I have decided to resign from my post as Secretary of Socioeconomic Planning. This is due partly to personal reasons and partly to differences in development philosophy with a few of my fellow Cabinet members,” saad ni Pernia.

Nagpasalamat naman ang 76 anyos na Cabinet official sa tiwala at pagsuporta ni Pang. Rodrigo Duterte ng lahat ng kanyang mga nakasama sa Ahensya.

“I must also thank my NEDA family for their trust and confidence in my leadership of the agency in crafting and pursuing the goals of the Philippine Development Plan 2017-2022 towards our country’s Ambisyon Natin 2040, as well as evaluating and reviewing flagship infrastructure projects for approval by the President-chaired NEDA Board and their eventual implementation.”

“I would like to thank the President for appointing me to the position. It has been an honor and privilege to have served the country under his administration for the past nearly four years.”

Dagdag pa ng kalihim, aalis siya ng NEDA na may naiambag sa pagbabago na ninanais ng pamahalaan para sa bansa.

“I leave NEDA knowing that we have initiated and implemented meaningful changes that will help the country overcome these challenging times and on to a higher growth trajectory,” pagtatapos ni Pernia sa kanyang pahayag.

Samantala, tinanggap naman ni Pang. Duterte ang pagbibitiw ni Pernia ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Si Finance Usec. Karl Chua naman ang pansamantalang magiging Acting NEDA Secretary.

Continue Reading
You may also like...

More in Breaking News

Latest News

To Top