Connect with us

Netizens na nagrereklamo sa pagpapatupad ng gobyerno sa ECQ, pinatatawag na rin ng NBI

Netizens na nagrereklamo sa pagpapatupad ng gobyerno sa ECQ, pinatatawag na rin ng NBI

COVID-19 UPDATES

Netizens na nagrereklamo sa pagpapatupad ng gobyerno sa ECQ, pinatatawag na rin ng NBI

Ibinunyag ni Human Rights Lawyer Chel Diokno na ipinatatawag na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang ordinaryong mamamayan na nagpo-post online ng kanilang hinaing sa pagresponde ng gobyermo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.

Ayon kay Diokno, isang kaso ng netizen ngayon ang kanyang hawak matapos padalhan ng subpoena ng NBI at pinapaharap sa tanggapan ng cybercrime division sa Ermita, Maynila sa Abril 7.

Ani Diokno, tinanggap niya ang kaso dahil hindi na makatao ang nangyayari.

Patutsada pa ng human rights lawyer na marami nang namamatay kasama na ang frontliners, pero imbes na COVID-19 ang dahilan ay kritiko ang gusto puksain umano ng gobyerno.

Una nang pinadalhan ng subpoena ng NBI si Pasig City Mayor Vico Sotto para magpaliwanag sa posibleng paglabag nito sa Bayanihan To Heal As One Act.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top