National News
New Clark City, gagawing quarantine area para sa mga Pinoy na uuwi mula China – DOH
Ang New Clark City sa Lalawigan ng Tarlac ang gagawing quarantine area para sa mga pinoy na uuwi mula China dahil sa banta ng 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV).
Ito ang inihayag ngayong hapon ni Health Sec. Francisco Duque III sa press conference.
Ayon kay Duque, isang silid ang ilalaan sa bawat Pinoy na susuriin kung infected ba sa 2019-nCoV sa loob ng 14 na araw.
Inaasahang sa araw ng Sabado, Pebrero 8, darating ang unang batch ng mga Pinoy na uuwi mula sa Hubei Province na sinasabing nanggaling ang naturang nakamamatay na virus.
Una nang inihayag ng pamahalaan na ang mega drug rehab facility sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ang gagamitin bilang quarantine area.