Connect with us

$15B contract sa New Manila International Airport, opisyal nang pinirmahan

New Manila International Airport

National News

$15B contract sa New Manila International Airport, opisyal nang pinirmahan

OPISYAL nang pinirmahan ngayong araw sa pagitan ng Department of Transportation at San Miguel Corporation ang 15 billion dollar project na New Manila International Airport na nakatakdang itayo sa Bulacan, Bulacan.

Sa ilalim ng concession agreement sasagutin muna ng San Miguel Corporation ang kabuuang gastos ng proyekto na katumbas sa P730 bilyon hanggang sa pagtatapos nito hanggang sa makabawi ito sa loob ng 50 year concession.

Personal na pinasalamatan ni Transport Secretary Art Tugade ang mismong top official ng SMC na si Ramon Ang dahil sa boluntaryong ayuda nito sa nasabing proyekto.

Kasama na rito ang pagsasaayos sa usapin ng right of way kung saan sagot na rin ito ng SMC.

Bibigyan ng maayos na relokasyon ang mga apektadong pamilya kaakibat dito ang pinansiyal na ayuda at kabuhayan habang may sistematikong programa na rin ang SMC katuwang ang pamahalaan para tugunan ang problema ng baha sa bahagi ng Tuliahan River, Malolos at Mecauayan River.

Ang nasabing paliparan ay may tinatayang 100-200 million passenger capacity sa kada taon na tiyak na makakatulong sa passenger congestion sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Binubuo ang paliparan ng 4 runways, 8 taxiways, 3 passenger terminal buildings.

Magsisilbi rin itong magandang oportunidad para sa kabuhayan at turismo hindi lang ng lalawigan ng Bulacan kundi maging sa buong bansa bilang ito ay tinaguriang world class facility na kayang makipagtagisan sa Asya at maging sa buong mundo.

Tinatayang nasa 35 milyong turista ang inaasahang papasok sa bansa taun-taon  oras na matapos ng proyekto.

Inaasahang uumpisahan ang mega project sa katapusan ng taon matapos itong sumailalim sa engineering works at planning.

Ayon pa sa San Miguel Corporation, ang nasabing proyekto ay tinatayang ay may projected GDP contribution na 9% hanggang taong 2025 o katumbas ito ng P900 bilyon.

POL MONTIBON

More in National News

Latest News

To Top