Connect with us

New Senate building, paiimbestigahan ni Sen. Padilla

New Senate building, paiimbestigahan ni Sen. Padilla

National News

New Senate building, paiimbestigahan ni Sen. Padilla

Upang manatili ang tiwala ng publiko sa Senado bilang isang institusyon, nais ni Senador Robin Padilla na imbestigahan ang di umano’y paglaki ng gastos sa itinatayong new Senate building.

Kahapon inihain ni Sen. Padilla ang Senate Resolution 1063 upang atasan ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan na pangunahan ang isang imbestigasyon in aid of legislation.

Magugunitang sa pagdinig ng Committee on Accounts noong Hulyo 3, ipinaliwanag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Project Director Soledad Florencio na delayed ang proyekto ng mahigit 800 araw.

Ang pagkaantala sa proyekto ay nagdulot ng karagdagang gastos na P78-M dahil sa extention, P800-M para sa variation order at P173-M para sa design fee.

More in National News

Latest News

To Top