Connect with us

NFA, bukas sa gagawing imbestigasyon ng DA hinggil sa hindi tamang pagbebenta ng bigas

NFA, bukas sa gagawing imbestigasyon ng DA hinggil sa hindi tamang pagbebenta ng bigas

National News

NFA, bukas sa gagawing imbestigasyon ng DA hinggil sa hindi tamang pagbebenta ng bigas

Bukas ngayon ang National Food Authority (NFA) sa gagawing imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay kaugnay sa ulat na libu-libong tonelada ng bigas umano ang hindi tamang ibinenta ng NFA sa ilang negosyante sa presyong dehado ang gobyerno.

Ang pahayag na ito ay nanggaling mismo kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa inilabas na pahayag ni Laurel, isiniwalat nito na ipinagbibili raw sa P25/kilo ang milled rice na walang kaukulang bidding matapos bilhin ang butil ng palay sa mga magsasaka sa halagang P23/kilo.

Iginiit ng kalihim na hindi binabalewala ng DA ang sumbong laban sa mga opisyal ng NFA.

Sa ipinadalang pahayag, sinabi ni NFA Administrator Roderico Bioco na handa ang ahensya na sagutin ang isyung ito.

Iginiit din niya na may mandato ang NFA na ibenta ang mga palumang stocks ng bigas na 10% na mas mababa kaysa sa mandatong presyo na hanggang P25/kilo habang P6.50/kilo sa mga damaged stocks.

Pagtitiyak ng NFA, nakasentro ang ahensya sa programa partikular na sa food infrastructure modernization.

Layunin nitong mapabuti, mapatagal ang kalidad ng bigas at maiwasan ang distress selling.

More in National News

Latest News

To Top