Connect with us

NGCP, target na matapos ang P5.48-B project sa Boracay sa 2024

NGCP, target na matapos ang P5.48-B project sa Boracay sa 2024

National News

NGCP, target na matapos ang P5.48-B project sa Boracay sa 2024

Target na matapos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang P5.48-B project nila hinggil sa power requirements sa

Ayon sa NGCP, kailangan ng grid expansion at mga proyektong susuporta sa pag-unlad ang Boracay upang masolusyunan ang lumalaking pangangailangan ng kuryente sa Isla.

Mas pagtitibayin ng NGCP ang submarine cables ng Boracay at mai-upgrade hanggang sa 138 kilovolts (kV) ang kasalukuyang 69 kV na pasilidad na nag-uugnay sa mainland sa Boracay Island.

Maging ang overhead transmission lines at cable terminal stations na makatutulong sa Isla sa susunod na mga taon.

Ang kasalukuyang konstruksyon ng proyektong Nabas-Caticlan-Boracay 138 kV line ay isang long-term solution sa lumalawak na demand sa elektrisidad ng Boracay na kilalang isa sa wold’s best travel destinations.

Isang Filipino-led private company ang NGCP na namamahala sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng mga power grid ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top