Connect with us

NHA, nakapamahagi na ng higit ₱2.4-B housing assistance sa mga nasalanta ng kalamidad

Sumampa na sa ₱2.4 billion ang halaga ng housing assistance na naipamahagi ng NHA para sa mga nasalanta ng kalamidad.

National News

NHA, nakapamahagi na ng higit ₱2.4-B housing assistance sa mga nasalanta ng kalamidad

Sumampa na sa ₱2.4 billion ang halaga ng housing assistance na naipamahagi ng National Housing Authority (NHA) para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ito ay sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) na naglalaan ng cash assistance sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilyang apektado ng kalamidad.

Kabilang sa pinakahuling nakatanggap ng housing assistance ang nasa dalawang libong pamilya sa Cebu City, Carcar City at Naga City na nasira ang tahanan kasunod ng pagtama ng Super Typhoon Odette noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ni NHA General Manager Joeben Tai para magsagawa ng ocular inspection sa ilang NHA housing projects.

Kasama rito ang NHA Naga permanent housing sa mga Barangay ng Inoburan at Tina-an na proyektong pabahay para sa mga biktima ng landslide.

More in National News

Latest News

To Top