Connect with us

NKTI, hindi isasara sa publiko kahit punuan na — Vergeire

Hindi isasara sa publiko ang National Kidney Transplant Institute (NKTI).Ito ang tiniyak ni Department of Health OIC Usec. Vergere

National News

NKTI, hindi isasara sa publiko kahit punuan na — Vergeire

Hindi isasara sa publiko ang National Kidney Transplant Institute (NKTI).

Ito ang tiniyak ni Department of Health Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergere sa kabila ng anunsyo ng NKTI na puno na ng mga pasyente ang kanilang emergency room at mga ward.

Ayon kay Vergeire, gumagawa na ng hakbang ang Doh upang hanapan ng malilipatan na ospital ang mga pasyente na hindi naman kailangan ng emergency service.

Sinabi ni Vergeire na ipinag-utos na niya sa Tala hospital sa Caloocan City, E. Rodriguez hospital sa Marikina City, at East Avenue Medical Center sa Quezon City na tanggapin ang mga pasyente na manggagaling sa NKTI.

Una nang sinabi ng NKTI na karamihan sa kanilang mga pasyente ngayon ay may sakit sa bato na nangangailangan ng dialysis at mga may Leptospirosis o COVID-19.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top