Connect with us

‘No Day Off, No Absent Policy’, ipatutupad ng MMDA sa nalalapit na Undas

Metro News

‘No Day Off, No Absent Policy’, ipatutupad ng MMDA sa nalalapit na Undas

Titiyakin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na available ang kanilang mga tauhan bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni MMDA Traffic Chief Bong Nebrija simula Oktobre 31 hanggang Nobyembre 4 magpapatupad sila ng ‘No Day Off’ at ‘No Absent’ Policy.

Ito ay upang matiyak present ang lahat ng kanilang pwersa na magsasagawa ng clearing operations isang linggo bago ang Undas.

“Hindi lang po pagma-manage ng traffic ang gagawin namin. Mayroon po kami, unang-una ‘yung clearing na gagawin po, 1 week before the Undas, yung mga factors ng mga bus terminals natin, mga illegal parking vehicles at illegal vendors. Then aside from that, mayroon po kaming Metro Parkway Clearing Group na tutulong naman po sa local, na maglilinis sa mga sementeryo natin. Just to make sure na malinis po yung paligid ng sementeryo,” saad ni Nebrija.

Nakikipag-ugnayan na rin anya sila sa mga Local Government Units at iba pang ahensya ng gobyerno para sa mga darating na events ngayong taon.

“Aside from that yung mga traffic district heads namin, patuloy pong nakikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit para isa-ayos yung traffic plan, mga rerouting para maipagbigay alam sa publiko bago po yung undas. ‘yun nga po November 4 balikan, nandyan ulit kami para saluhin yung mga pasahero na pabalik,” dagdag ni Nebrija.

Ulat ni Glenda Ramos

More in Metro News

Latest News

To Top