Connect with us

No ID, no entry sa Metro Manila, ipatutupad simula ngayong araw ng Lunes

Ilang lugar sa bansa, nagdeklara na rin ng community quarantine dahil sa COVID-19

Metro News

No ID, no entry sa Metro Manila, ipatutupad simula ngayong araw ng Lunes

Hindi na makakapasok sa Metro Manila ang mga empleyadong naninirahan sa probinsiya pero nagta-trabaho sa Metro Manila kung hindi makakapagpakita ng idenfication card (ID).

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na simula ngayong araw ng Lunes, Marso 16 ay maghihigpit na ang mga otoridad sa mga checkpoints na ipinapatupad sa mga border ng Metro Manila.

Ayon kay Lopez, dapat may maipakitang company id o proof of employment ang mga empleyado bilang katibayan na sa Metro Manila sila nagta-trabaho.

Sinabi naman ni Ca­binet Secretary Karlo Nograles na magpupulong ang Inter-Agency Task Force upang makapaglabas ng polisiya patungkol sa mga empleyado sa National Capital Region (NCR) na naninirahan sa mga kalapit na probinsya.

Binigyan diin naman ni Acting PNP Spokesman Maj. Gen. Benigno Durana Jr. na mahalaga na mamonitor ang mga papasok at lalabas ng Metro Manila.

Samantala, nasa 40,000 police personnel ang ipakakalat ng PNP sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

More in Metro News

Latest News

To Top