Connect with us

 “No vax, no ride” policy, ipatutupad sa Metro Manila

 “No vax, no ride” policy, ipatutupad sa Metro Manila

Metro News

 “No vax, no ride” policy, ipatutupad sa Metro Manila

Magpatutupad ang Department of Transportation (DoTr) ng “No Vaccination, No Ride” policy para sa mga public transportation sa Metro Manila.

Sa press statement, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nag-isyu siya ng department order para sa pagpatutupad ng naturang polisiya habang nasa COVID-19 alert level 3 level o mas mataas pang alerto ang NCR.

Sa kautusan ng DoTr, inaatasan ang lahat ng concerned attached agencies at sectoral offices ng DoTr na siguruhing ang mga fully vaccinated lang ang bibigyan ng tickets ng mga operator ng pampublikong sasakyan.

Para matiyak ito, kailangang magpakita ng ebidensya ang mga biyahero gaya ang physical o digital copies ng vaccine card na inisyu ng LGU o anumang IATF-prescribed document na may valid government issued ID na may larawan at address.

Sinabi ni DoTr Secretary Tugade na agad magiging epektibo ang department order sa public transportation matapos mailathala sa official gazette o sa isang pahayagan ng general circulation.

More in Metro News

Latest News

To Top