Connect with us

 “No Vax, No Ride” policy, ipinatupad na sa Metro Manila ngayong araw

Paglalagay ng expiration sa mga vaccine card, pinag-aaralan ng gobyerno

National News

 “No Vax, No Ride” policy, ipinatupad na sa Metro Manila ngayong araw

Ipinatupad na simula ngayong araw, ika-17 ng Enero ang “No Vaccine, No Ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr), inaatasan ang lahat ng concerned attached agencies at sectoral offices ng DOTr na siguruhing ang mga fully vaccinated lang ang bibigyan ng tickets ng mga operator ng pampublikong sasakyan.

No description available.

Para matiyak ito, kailangang magpakita ng ebidensya ang mga biyahero gaya ang physical o digital copies ng vaccine card na inisyu ng lgu o anumang iatf-prescribed document na may valid government issued id na may larawan at address.

Ang naturang polisiya ay magtatagal hangga’t nasa alert level 3 pataas ang COVID-19 alert level status ng Metro Manila.

Hindi naman kasama sa polisiya ang mga may medical condition at kukuha o bibili ng essential goods.

Samantala, magpatutupad din simula ngayong araw ng “No Vaccination, No Fly” policy ang Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific at Airasia para sa kanilang domestic flights.

 

 

More in National News

Latest News

To Top