Connect with us

Nominees ng P3PWD party-list, nag-resign; ex-COMELEC Comm. Rowena Guanzon, 1st nominee na ng partido

Nominees ng P3PWD party-list, nag-resign; ex-COMELEC Comm. Rowena Guanzon, 1st nominee na ng partido

National News

Nominees ng P3PWD party-list, nag-resign; ex-COMELEC Comm. Rowena Guanzon, 1st nominee na ng partido

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na naghain ng ilang mga dokumento ang P3PWD Party-list o Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities kaugnay sa mga pagbabago sa kanilang hanay.

Ayon kay COMELEC acting Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, kabilang sa inihain ng party-list sa Law Department ng poll body ay ang notaryadong affidavit na nagsasaad ng board resolution kaugnay sa pagre-resign ng mga nominee at acceptance ng mga bagong nominee.

Ito ay nilagdaan ng Secretary-General ng partido na si Donnabel Tenorio.

“At 1:01PM today, June 14, 2022, Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities of P3PWD Party List had filed the following public documents with the COMELEC Law Department:

1. Cover Letter and Notarized Affidavit of Filing of Board Resolution relative to the resignation of nominees and acceptance of new nominees, signed by its Secretary-General, Donnabel C Tenorio

2.The subject Notarized P3PWD Board Resolution No. 2022-02

3.Notarized Secretary-General’s Certificate,” saad pa ng mensahe ni Dri. Laudiangco sa mga reporter.

Partikular sa inihain ang notaryadong resignation letter ng mga nominee na sina Grace Yeneza; Ira Paulo Pozon; Marianne Heidi Cruz Fullon; Peter Jonas David; at Lily Grace Tiangco.

Kalakip din nito ang limang notaryadong Certificate of Nomination at kasama sa mga bagong nominees sina Ma. Rowena Amelia Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.

5. Notarized Certificate of Nomination of P3PWD signed by Sec-Gen Donnabel C Tenorio, listing as its new nominees in the following order the following: Ma. Rowena Amelia V Guanzon, Rosalie J Garcia, Cherrie B Belmonte-Lim, Donnabel C Tenorio and Rodolfo B Villar Jr

6. Requisite Notarized Affidavit accompanying the Certificate of Nomination signed by Sec Gen Donnabel Tenorio

7. Notarized Certificates of Acceptance of Nomination of the new nominees of P3PWD

8. Notarized Affidavits of Acceptance of Nomination by the aforementioned new nominees,” saad pa ng COMELEC acting spokesperson.

Iginiit naman ni Laudiangco na idadaan pa sa en banc ng Komisyon ang naturang hiling ng partido.

“Subject to the deliberation of the Commission en banc,” dagdag pa ni Dir. Laudiangco

Una nang inihayag ni National Youth Commission (NYC) Chairman and CEO Usec. Ronald Cardema na labag sa panuntunan ang substitution na gagawin ni Guanzon.

No description available.

Inilahad din ni Cardema na dumulog sa kanya ang isang nominee ng P3PWD Party-list para humingi ng tulong at sinabing pinagre-resign ang mga nominee para lang makalusot si Guanzon.

“Sa rules na ginawa ni Commissioner Guanzon noong isang taon patungkol sa partylist substitution, pwede ka na lang mag–substitute sa ngayon noong election day kung ikaw ay namatayan ng nominees o naging gulay ‘yung nominees mo, incapacitated. Wala naman po doon sa lima ang namatayan, wala po doon sa lima ang gulay na, lahat po sila ay buhay na buhay ngayon,” ayon kay Cardema.

May inilabas din si Cardema na video na mabigat na ebidensya ng misrepresentation ng dating komisyuner.

“Alam niyo naman na nagpapakilala si former Commissioner Rowena Guanzon na siya ang kandidato ng P3PWD siya ay first nominee daw at siya ay incoming congresswoman daw ng nasabing partylist-wala po doon ang totoo. Kaya tayo nananawagan sa COMELEC, meron pong isang taong nag misre-represent at tinatakot po yung officials nominees na aprubado po ninyo,” ani Cardema.

Sinagot naman ni Guanzon si Cardema sa isyu ng substitution.

Ani Guanzon, ang winning party-list ang masusunod sa kung sino ang ilalagay na kinatawan sa Kongreso.

“It is the business of the party-list to decide who their representatives should be. If all of their nominees resign. And the partylist submits a new list to the comelec. That is the business of a winning partylist,” paliwanag ni Guanzon.

Hinamon din ni Cardema si Guanzon ng isang debate kaugnay sa naturang isyu.

“You know, we are challenging Bing Guanzon to a debate. Bakit maganda ang isang debate? May rules ang debate eh!? Hindi ka pwedeng magsabi ng mga rhetoric mo na parang circus,” sabi ni Cardema.

Sinagot naman siya ni Guanzon at sinabing “oh why don’t he just challenge me to a debate to a duel. Let him challenge me to a duel. Why would I debate with him he’s not event a f*cking lawyer.”

More in National News

Latest News

To Top