Regional
NPA lider sa Mindanao, nasawi sa engkwentro laban sa militar
Inanunsyo ng 5th Infantry Division ang pagkasawi ni Edgar M. Arbitrario alias Karl, kilalang kalihim ng komunistang teroristang grupo na Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KCRV).
Base sa ulat ng militar noong Setyembre 11, 2024, nakaengkwentro ng mga sundalo ang grupo ni Arbitrario sa Brgy. Baliuag, Peñablanca, Cagayan.
Dahil sa nasabing engkwentro, nagtamo ng sugat si Arbitrario at pumanaw na ito kalaunan.
Araw ng Biyernes, Setyembre 14 nang marekober ng militar ang labi ng naturang terorista.
Si Arbitrario ay 48-year-old na nakatira sa R. Castillo, St. Belisario Village, Davao City.
Dati itong civil engineering student ngunit nag-drop-out para sumali sa naturang kilusan noong taong 1990s.
Nang ma-recruit sa teroristang grupo, sangkot na si Arbitrario sa iba’t ibang terrorist activities sa Compostela Valley at Davao del Norte.
February 2016 nang mahuli naman si Arbitrario sa kasong murder at double attempted murder.
Samantala, pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang tropa ng 95th Infantry Battalion sa kanyang pagbisita sa tactical command post ng nasabing batalyon sa Brgy. Sisim, Peñablanca.
Sa kanyang pagbisita nitong Setyembre 15, binati ni Gen. Brawner ang nasabing unit matapos ang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkasawi ng isang lider ng NPA at pagkakarekober ng mga matataas na kalibre ng armas. “I congratulate you on your outstanding performance in this mission. Your dedication and courage are crucial as we transition to territorial defense operations. Remember, a strong AFP means a strong nation.”