Connect with us

NPA, muling lumabag sa unilateral ceasefire dahil sa pangingikil sa Agusan Del Norte

CPP-NPA-NDF

Regional

NPA, muling lumabag sa unilateral ceasefire dahil sa pangingikil sa Agusan Del Norte

Muling lumabag sa unilateral ceasefire ang New People’s Army (NPA) matapos ang pangingikil sa mga residente sa Agusan Del Norte.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Lieutenant Colonel Xerxes Trinidad, nasa 18 mga rebelde ang nangikil sa mga residente ng Barangay Cuyago Jabonga.

Matapos makarating ang impormasyon ay agad nagsagawa ng security patrol ang tropa ng gobyerno.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan ilang miyembro ng NPA ang nasugatan.

Nakuha rin ng militar ang tatlong AK47 rifles at mga bala ng AK47 at M16 rifles.

Iginiit ni Trinidad na ang ginawa ng mga rebelde ay nagpapatunay na hindi seryoso ang mga ito sa anumang usapan lalo’t idineklara ng gobyerno ang unilateral ceasefire sa gitna ng problema sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

More in Regional

Latest News

To Top