Connect with us

NPA sa Kalinga, uubusin ng militar

NPA sa Kalinga, uubusin ng militar

National News

NPA sa Kalinga, uubusin ng militar

Tuloy ang laban!

Ganito isinalarawan ng mga tauhan ng 5th Infantry Division ang knilang laban kontra insurhensiya sa Kalinga.

Para ito sa mga natitira pang miyembro ng komunistang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF.

Ayon kay BGen. Audrey L.  Pasia, commander ng 5ID, hindi sila titigil hangga’t hindi napupuksa ang problema ng insurhensiya sa bansa.

Ayon pa sa militar, pagbabayaran ng mga NPA ang mga karumaldumal na ginawa ng mga ito sa mga inosente at unipormadong mga kawani ng pamahalaan.

Babala pa ng militar, hindi sila mapapagod na magsagawa ng intensified operations laban sa mga komunistang teroristang kilusan NA CPP-NPA-NDF sa lugar.

“We will see to it that these remnants of communist terrorist group in Kalinga will pay the consequences of their atrocities to the people-be it uniformed or innocent civilians. We warn them of intensified operations we will be launching against them,” ani Pasia.

Sa isang panayam sa SMNI Nightline News, tiniyak ng tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Col. Medel Aguilar na tuloy ang kanilang mga pagsasanay para sa pagtatanggol sa sambayanang Pilipino lalo na sa usapin sa insurhensiya.

Sa katunayan aniya, paliit na ng paliit ang bilang ng mga kalaban ng estado mula sa hanay ng CPP-NPA-NDF.

Naniniwala rin ang AFP na malaking tulong rin ang NTF-ELCAC sa laban ng pamahalaan kontra CPP-NPA NDF.

Imbes aniya na ipaubaya ang trabaho sa mga militar, ngayon, nakikipagtulungan na rin aniya ang publiko.

More in National News

Latest News

To Top