Connect with us

NPA secretary, nahuli ng pulisya sa Naga City

Arestado ang no. 1 Communist Terrorist Group White Area Personality sa Naga City.Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5,

National News

NPA secretary, nahuli ng pulisya sa Naga City

Arestado ang no. 1 Communist Terrorist Group White Area Personality sa Naga City.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, ipinatupad ng Police Station 1 kasama ang  Naga City Mobile Force Company ang warrant of arrest laban sa isang Marites Pielago, 63 taong gulang.

Si Pielago ay kinilala bilang Secretary ng Regional White Area Committee, Bicol Regional Party Committee.

Siya ay sinampahan ng kasong murder na walang inirekomendang piyansa batay sa warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 60, 5th Judicial Region, Iriga City, Camarines Sur na may petsang Enero 17, 2020.

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 4 ang naarestong indibidwal.

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top