National News
NSC, itinanggi ang umano’y temporary special arrangement sa pagitan ng Pilipinas at CCG
Mariing itinanggi ng National Security Council (NSC) na walang ginawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Chinese Coast Guard (CCG) sa tuwing magsasagawa sila ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.
Kaugnay ito sa di umano’y pagpayag ng CCG na madala ng Pilipinas ang supply ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Magugunitang noong Enero 21, isang maliit na aircraft ng Pilipinas ang nag airdrop ng supplies para sa mga Pilipinong sundalo.
Sa isang pahayag sinabi ni NSC Deputy Director General Jonathan Malaya wala silang natanggap na anumang pakikipagkasundo sa CCG at hindi aniya sila tatalima sa anumang kasunduan na sinasabi ng China kasabay ng paninindigang pag-aari nito at hindi nila kailangang humingi ng permiso sa alinmang bansa sa pagtungo sa Ayungin Shoal.
