National News
NTC, walang kapangyarihan sa prangkisa ng broadcast entity
Iginiit ni dating Presidential Spokesman Harry Roque at kasalukuyang TV anchor ng Sonshine Media Network International (SMNI) na walang hurisdiksyon o karapatan ang National Telecommunication Commission (NTC) na suspendihin ang prangkisa o broadcast operation ng SMNI.
Ipinaliwanag ni Roque na tanging ang korte lamang aniya ang may kapangyarihan na makagawa nito o kaya ay sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na nagpapawalang bisa sa prangkisa ng isang media entity.
Inilabas ni Roque ang pahayag matapos niyang pangunahan ang paghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition at hilingin ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at Preliminary Injunction para maharangang pag-iral ng Indefinite Cease and Desist Order na ipinataw ng NTC.
Samantala, nanindigan naman ang mga reporters na hindi magpapatakot sa liderato ng Kamara na itinuturing nasa likod ng suspension, sa halip ay patuloy itong maghahatid ng makatotohanang balita at tunay na kaganapan bilang bahagi ng malayang pamamahayag.
