National News
NTF-ELCAC, iminungkahing isailalim sa medical intervention sina Jhed Tamano at Jonila Castro
Iginiit ng NTF-ELCAC na kusang sumuko ang 2 aktibista na sina Jhed Tamano at Jonila Castro sa militar.
Batay ito sa dokumentong pinanghahawakan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isinumite sa kanila ng abogado ng dalawa.
Kaugnay rito, bilang mga surrenderees sa ilalim ng poder ng pamahalaan, iminungkahi ng ahensiya na isailalim ang 2 sa medical intervention para tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ng mga ito.
Matatandaang, nagmistulang laban-bawi ang dalawang aktibista sa kanilang testimonya na pagsuko sa pamahalaan at kalaunay bumaliktad sa kanilang salaysay na sila ay dinukot ng mga militar.
