Connect with us

NTF-ELCAC, pumalag sa paratang ng makakaliwang party-list ukol sa red tagging pamphlet

NTF-ELCAC, pumalag sa paratang ng makakaliwang party-list ukol sa red tagging pamphlet

Regional

NTF-ELCAC, pumalag sa paratang ng makakaliwang party-list ukol sa red tagging pamphlet

Pinabulaanan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang paratang ng Kabataan at ACT Teachers party-list kaugnay sa di-umanoy pamamahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga red tagging pamphlet.

Ang pamphlet ay naglalarawan sa mga rallyista bilang mga terorista sa isang seminar na ginanap sa Taytay Senior High School sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr. kung susuriing mabuti ang pamphlet madali aniyang makikita na walang red tagging sa nasabing materyales.

Ito umano ay isang simpleng paraan upang magbigay ng kaalaman sa mga estudyante tungkol sa modus operandi ng mga rekruter ng NPA na ayon na rin sa katotohanan at ebidensya.

Magugunitang nagsagawa ang 80th Infantry Batallion ng Philippine Army ng isang seminar bilang bahagi ng Civic Education Program na layuning magbigay ng kaalaman tungkol sa mga banta sa pambansang seguridad at magtaguyod ng nasyonalismo sa mga kabataan.

More in Regional

Latest News

To Top