Connect with us

NTF-ELCAC, sinalungat ang panukala ng KABAG Party-list na i-decriminalize ang libel

NTF-ELCAC, sinalungat ang panukala ng KABAG Party-list na i-decriminalize ang libel

National News

NTF-ELCAC, sinalungat ang panukala ng KABAG Party-list na i-decriminalize ang libel

Sinasalungat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang panukala na inihain sa Kamara para i-decriminalize ang libel.

Ito ay ang House Bill (HB) no. 1769 na inihain ng mga miyembro ng Makabayan Bloc na kinabibilangan Act Teachers Party-list, Gabriela Women’s Party at Kabataan Party-list o tinatawag nilang KABAG Party-list.

Ayon naman kay Prosecutor 2 Flosemer Chris Gonzales, spokesperson ng legal affairs ng Anti-Communist Task Force, mawawalan na ng legal restraint para mapigilan ang mga paninirang puri.

Dagdag pa ni Gonzales, magkakaroon ng kaguluhan kung magiging labis ang kalayaan sa pamamahayag at kung walang batas tulad ng libel.

Saad pa ni Gonzales, dahil sa libel, maaaring mahabol ang isang tao na lumalampas na sa pamamahayag at maprotektahan ang mga inosenteng tao.

More in National News

Latest News

To Top