Connect with us

NTF-ELCAC, walang kwenta kung walang budget – Pastor Quiboloy

NTF-ELCAC, walang kwenta kung walang budget – Pastor Quiboloy

National News

NTF-ELCAC, walang kwenta kung walang budget – Pastor Quiboloy

Magkaiba ang ipagpapatuloy at palalakasin.

Ito ang komento ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI sa kanyang programang Powerline, ilang araw matapos linawin  ni National Security Adviser (NSA) Sec. Clarita Carlos na hindi niya ipatitigil ang NTF ELCAC, bagkus ay ipagpapatuloy ang magagandang resulta ng nasabing programa.

Ayon kay Pastor Apollo, maganda ang plano ni Sec. Carlos na ipagpatuloy ang NTF-ELCAC ngunit mas mainam na hintayin muna natin ang magiging resulta nito.

Kaya naman, binigyang-diin ni Pastor Apollo na ibalik ang orihinal nitong pondo na P20 million dahil wala pa ring kwenta ang NTF-ELCAC kung wala itong budget.

Samantala, pinuri naman ng butihing pastor si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nanindigan para sa NTF ELCAC at isinama pa ito sa kanyang mga prayoridad na panukalang batas.

Muli namang binigyang-diin ng butihing Pastor na dapat putulin na ang pinaka-ulo ng makakaliwang grupo upang tuluyan nang masugpo ang insurhensya sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top