Connect with us

NTF-WPS, kinondena ang panibagong panggigipit ng China sa katatapos na RoRe mission ng AFP sa Ayungin Shoal

NTF-WPS, kinondena ang panibagong panggigipit ng China sa katatapos na RoRe mission ng AFP sa Ayungin Shoal

National News

NTF-WPS, kinondena ang panibagong panggigipit ng China sa katatapos na RoRe mission ng AFP sa Ayungin Shoal

Kinondena ng National Security Council at National Task Force for the West Philippine Sea (NFP-WPS) ang panibagong insidente ng marahas na aksyon ng China.

Ang pagkondina ay kaugnay sa nangyaring Rotation at Re-supply mission ng AFP at PCG sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kahapon ng umaga.

Ayon sa Task Force sa kabila ng ginawang pagbangga at paghila ng mga barko ng People’s Liberation Army, China Coast Guard at Chinese Maritime Militia, ipinakita ng mga Pilipino ang pagiging propesyunal nito at iniwasang palalain ang tension.

Inilagay umano ng China sa panganib ang mga sundalong Pilipino na isang malinaw na paglabag sa United Nations Charter, UN Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Award.

Dagdag ng Task Force mananatili ang pangako ng Pilipinas para sa mapayapa at responsableng hakbang alinsunod sa Inter-national Law at umaasang susunod dito ang China.

Sa huli tiniyak ng AFP at PCG na hindi sila titigil sa paggamit ng karapatan nito sa mga karagatang sakop ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top