National News
Number 1 Sen. Robin Padilla, pinasalamatan si Pastor Apollo C. Quiboloy
Espesyal na pinasalamatan ni senator-elect at number 1 Senator Robin Padilla si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI.
Si Robin Padilla ay maituturing na mabuting kaibigan ni Pastor Apollo.
Ayon kay Padilla, malaking tulong ang one on one interview, SMNI Exclusive ng butihing pastor sa kanyang kandidatura.
Una na ring binanggit ni Pastor Apollo na magiging top 1 senator si Robin bago ang araw ng botohan.
Sinabi rin ni Padilla na sana ay magkaroon pa ng pronouncement ang butihing pastor para sa ikabubuti ng bansa.