Metro News
Number coding, ‘di suspendido sa araw ng SONA – MMDA
Hindi suspendido ang number coding scheme ngayong July 22 o araw ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, kung isususpinde ang number coding scheme ay mas lalong sisikip ang lansangan sa nabanggit na araw dahil dadami ang bilang ng sasakyan.
Sa traffic plan ng MMDA para sa 2024 SONA, isasara ang ilang bahagi ng commonwealth Avenue at IBP road.
Samantala, mula alas-12 ng hatinggabi nitong Sabado, July 20 hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 22 o ang mismong araw ng SONA ay suspendido ang permit to carry firearms outside of residence ayon sa Philippine National Police- Civil Security Group.
Epektibo lang din sa National Capital Region ang naturang gun ban.
