Connect with us

Investments pledges mula sa presidential foreign trips na nag-materialize na, umabot sa $14-B

nvestmeInts pledges mula sa presidential foreign trips na nag-materialize na, umabot sa $14-B

National News

Investments pledges mula sa presidential foreign trips na nag-materialize na, umabot sa $14-B

Unti-unti nang naisasakatuparan ang investment pledges mula sa mga dayuhang kumpanya sa mga naging foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakalipas na 16 na buwan.

Ito ang ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) base sa ulat ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, nagpapalakas ito sa posisyon ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan para sa foreign businesses sa Asya.

Noong Disyembre 2023, nagtala ang DTI ng $72.2-B na pamumuhunan sa iba’t ibang yugto. Ito ay binubuo ng 148 na proyekto.

Kabilang sa mga ito ang 46 na proyektong na nagkakahalaga ng $14.2-B. Ito ay na-actualize na.

Ibig sabihin nito, ang proyekto ay nag-o-operate na at/o natapos na ang proseso ng pagpaparehistro sa Investment Promotion Agencies (IPAs) ng DTI o nagsimula na sa implementasyon.

Ang mga pamumuhunang ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang sektor, tulad ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, infrastructure, transport and logistics, agriculture, at retail.

Sa mga sektor na ito, ang pagmamanupaktura ang may pinakamalaking bahagi sa bilang ng mga proyekto, na binubuo ng 16 na proyekto.

Ito ay sinundan ng IT-BPM na may 10 proyekto at renewable energy na may 9 na proyekto.

Ang Japan ang nangungunang bansa na pinagmumulan ng pamumuhunan kaugnay ng bilang ng mga proyektong naisakatuparan na. Ito ay katumbas ng 21 proyekto.

Sinundan naman ito ng Estados Unidos na may 13 proyekto.

Samantala, nagsasagawa pa rin ang foreign investors ng pre-implementation at planning activities sa kani-kanilang mga bansa para sa natitirang 102 proyekto, na nagkakahalaga ng $58-B investment pledges.

More in National News

Latest News

To Top