Connect with us

OCD, magsisilbing logistics in-charge sa mga PPEs medical supplies

Pansamantala munang sarado ang punong tanggapan ng Office of the Civil Defense (OCD).Ito ay matapos na magpositibo ang ilan sa kanilang mga tauhan sa COVID-19.

COVID-19 UPDATES

OCD, magsisilbing logistics in-charge sa mga PPEs medical supplies

Magsisilbing logistics in-charge ang Office of the Civil Defense (OCD) ng mga personal protective equipment (PPE) at iba pa sa kasagsagan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang binigyang linaw ni OCD Undersecretary Ricardo Jalad sa naging panayam ng Sonshine Radio.

“Kami tulong kami sa logistics handling ng mga supplies, mga PPEs, gamot, kagamitan, kasi inaayos natin ang response natin sa COVID so that matanggal na yung ibang kailangang gagawin ng DOH. Focus sila dun sa pinaka-importante”, saad ni Usec. Jalad

Binigyang-diin naman ni Jalad na maaari rin silang tumanggap ng mga donation pero hindi lahat ay kinakailangan umanong dumaan sa kanila.

May kalayaan ang mga donors na idiretso na sa mga beneficiaries nito ang mga donations pero hinihingi lang ng OCD na bigyan sila ng report para walang ma-overfeed o ma-underfeed.

Simula Abril 2, umabot na sa 15,000 na mga PPEs ang naibigay sa mga COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila.

Samantala, sumailalim na sa self quarantine si Jalad bilang precautionary measures laban sa COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top