Connect with us

OCD, nagkaloob ng P8-M donasyon sa LGU ng Batanes para sa paghahanda sa La Niña

OCD, nagkaloob ng P8-M donasyon sa LGU ng Batanes para sa paghahanda sa La Niña

Regional

OCD, nagkaloob ng P8-M donasyon sa LGU ng Batanes para sa paghahanda sa La Niña

Bilang paghahanda sa nalalapit na La Niña nagbigay ng donasyon ang Office of the Civil Defense (OCD) sa Provincial Local Government Units ng Batanes.

Ang nasabing donasyon ay mga non-food items assistance na aabot sa mahigit P8-M ang halaga.

Kabilang sa ipinagkaloob ng OCD sa lalawigan ay 7 generator sets na makakatulong upang hindi maantala ang trabaho ng mga nasa pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, ang Batanes ay laging dinadaanan ng malalakas na bagyo at malayo din ito kung pupuntahan.

Kaya naman habang hindi pa nararanasan ang La Niña mas mabuti aniyang maging handa at ang susi dito ay ang paglalaan ng mga relief goods at iba pang kinakailangan upang may magagamit sa panahon ng pangangailangan.

More in Regional

Latest News

To Top