Connect with us

OFW Party-list, isusulong ang technical schools

OFW Party-list, isusulong ang technical schools

National News

OFW Party-list, isusulong ang technical schools

Isa sa mga layunin ng OFW Party-list na magkaroon ng technical schools sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ayon kay OFW Party-list Chairman Engineer Jerenato Alfante sa panayam ng Sonshine Radio, ang technical school sa rehiyon ay nakakapagsuporta para magkaroon ng economic zone sa bawat lugar.

Maliban pa dito ay magiging daan rin ito ng mga anak ng OFWs na hindi masyadong aasa sa perang ipapadala ng mga magulang nila sa abroad.

Binigyang-diin ni Alfante, mahirap kumita sa ibang bansa kung kaya’t mas mainam na hindi maging dependent dito ang mga anak ng OFWs o kaya’y kahit sa magulang na rin na andito sa Pilipinas.

“Kung pu-pwede sana lahat ng mga municipality, not only region, ‘yung municipality, magkaroon ng technical school, maaabot po natin ang ating manggagawang Pilipino o mga out of school youth na nahirapan makapag-aral dahil wala silang pera para ipangtustos. Kaya kung magkakaroon man tayo ng technical sa bawat municipality, or sa region, pansamantala, maaabot po natin ang mga out of school youth na walang pera para pumunta sa city para mag-aral at ‘yung technical school po na ‘yun, it will support also the project of the government na magkakaroon ng economic zone sa bawat region,” Engr. Alfante.

Samantala, naibahagi na rin ni OFW Party-list Rep. Marissa del Mar na may nakahanda na silang 17 panukala para sa mga OFW na agaran nilang ihahain sa June 30.

Isa na dito ay ang pagkakaroon ng memorandum of agreement sa pagitan ng employer, agency at OFW Party-list.

“We are ready for 17 bills to pass, come June 30 of noon, ito po ang isang bill na ipapasa po namin sa OFW Party-list na magkaroon po ng mutual agreement, or memorandum of agreement, and employer agency, at ‘yung amin pong OFW Party-List, to be able to give guidelines, na ito ‘yung check-list. Hindi pag-alis dito, hindi mo na alam kung nasaan sila, kung ano na nangyari sa kanila. That’s why we would like to have a monitoring connectivity, 24/7, to be able to know, the real story, the real status of what is happening to them. Na pagkatapos umalis, hindi na nila malaman kung nasaan, pati mga kamag-anak nila, hindi sila ma-locate. Please lang po, huwag po tayong magpadala sa mga illegal recruiters, huwag po tayong mahanap ng direct hiring na wala po kayong protection at kung pwede mag- OWWA member kayo kasi po ang protection po na binibigay ng OWWA ay napakalaking bagay din po para sa inyong kaligtasan,” pahayag ni Del Mar, OFW Party-list Representative Marissa del Mar

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top