Connect with us

OFW party-list, nilinaw bakit ‘overkill’ kung buwagin ang party-list system ng bansa

OFW party-list, nilinaw bakit 'overkill' kung buwagin ang party-list system ng bansa

National News

OFW party-list, nilinaw bakit ‘overkill’ kung buwagin ang party-list system ng bansa

Maraming mga ang totoong tagapagtaguyod ng kanilang adbokasiya.

Ito ang binigyang-diin ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa panayam ng Sonshine Radio hinggil sa kanyang komentong ‘overkill’ ang mungkahing tanggalin na ang party-list system.

“First termer tayo ang OFW party list, pero 24 years na po tayong tumutulong sa sektor na ito. Meron po tayong mga scholarship, medical mission, livelihood, community. Meron po tayong renovation ng school buildings, building ng school, renovation of churches, pamaskong handong taun-taon sa ating mga OFWs and many more na hindi po natin alam na darating ang panahon na tayo po ay tatakbo sa Kongreso,” ani ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.

Naibahagi ni Magsino na bagamat first termer pa lang sila sa kongreso, 22 taon na silang tumutulong sa mga OFW.

“Sana naman po ay isipin po nila na napakaraming mga party list na talagang nag-aadvocate ng makatotohanan pong pagtulong at ‘yung gusto pong makapagserbisyo ay nadadamay. Marami pong mga issues na sinasabi nga pong “puro pera lang umaandar” kaya po nanalo ‘yung ganyang mga issue. Pero ang sabi ko nga po dapat within ourself, ‘yung atin pong mga voting population, sila po ay makapagdecide din dahil napakalaking factor po nito,” dagdag pa nito.

Sa muli, ayon kay Magsino, repormang tunay na sasalamin sa layunin ng party-list system act ang dapat isulong imbis na bawiin, tanggalin o buwagin ang party-list system ng bansa.

Iginiit din nito na maituturing na ‘overkill’ kung matuloy na bubuwagin ito.

More in National News

Latest News

To Top