National News
OFWs na nagtatrabaho sa Hong Kong at Macau, exempted na sa travel ban
Makakabiyahe na muli ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Hong Kong at Macau.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay ngayong araw sa kanyang twitter post.
Sinabi ni Dulay na exempted na mula sa outbound travel ban ng ang mga OFW na magbabalik trabaho sa Hong Kong at Macau.
Today, DFA Sec Locsin’s advocacy has come true. OFWs returning for work in Hongkong and Macau have been exempted from the outbound travel ban by the IATF-EID, subject to certain procedural formalities. Woohoo!! @teddyboylocsin
— Dodo Dulay (@dododulay) February 18, 2020
Gayunman, subject pa rin aniya ang mga ito ng ilang procedural formalities.
Matatandaang mahigpit na ipinatutupad ang travel ban sa China at sa dalawang Special Administrative Regions (SAR) nito dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).