National News
Olympic gold medal, nag-iisang pangarap ni Hidilyn Diaz
Nag-iisang pangarap ni Hidilyn Diaz ang kanyang nasungkit na gold medal para sa 55kg weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics.
Ayon sa 30 year old weightlifter, tanging pangarap niya ang makuha ang gold medal, at bonus nalang ang pagdagsa ng mga cash reward at mga insentibo na ipinagpasalamat naman nito.
Hiniling naman ni Hidilyn ang mga sponsor na ipakita pa ang suporta sa mga Filipino athlete na may potensyal na magigig gold medalist bago pa ang mga ito sasabak sa mga laro dahil pareho lang din ang kanilang pangarap, ang makamit ang gold medal para sa Pilipinas.
Malaki naman ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang team, sa kanyang pamilya at sa lahat ng sumusuporta sa kanya journey sa olympics.