National News
Ombudsman, binawi na ang suspension sa 72 opisyal ng NFA
Inalis na ng Ombudsman ang ipinataw na preventive suspension sa 72 tauhan ng National Food Authority (NFA).
Ang mga NFA employees ay naunang sinuspinde matapos madawit sa iligal na bentahan ng buffer stock sa mga pribadong rice trader.
Batay sa inilabas na desisyon ng NFA, magbabalik trabaho ang mga nasuspinde simula sa May 15.
Kabilang sa mga ito ay ang mga NFA warehouse supervisor mula sa Region 3, 4-A, MIMAROPA, 5, 6, 7, 9, 10, 13 at BARMM.
