Connect with us

Ombudsman, hindi ikinagulat ang reaksyon ni Gov. Gwen Garcia sa suspension laban sa kanya

Ombudsman, hindi ikinagulat ang reaksyon ni Gov. Gwen Garcia sa suspension laban sa kanya

National News

Ombudsman, hindi ikinagulat ang reaksyon ni Gov. Gwen Garcia sa suspension laban sa kanya

Hindi na ikinagulat ng Office of the Ombudsman ang pahayag ni Cebu Governor Gwen Garcia na hindi siya bababa sa pwesto sa kabila ng ipinatupad na preventive suspension laban sa kanya.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, hindi ito ang unang pagkakataon na sinuway ni Garcia ang batas lalo na ang mga kautusan ng Ombudsman.

Sa ibinahagi ni Martires, sinampahan na si Garcia ng kaso sa Ombudsman kaugnay ng pagbili nito noong 2008 ng isang ari-ariang kalaunay napag-alamang nasa ilalim pala ng tubig.

Noong 2018 rin kung saan kongresista pa si Garcia ay sinabi ni Martires na ipinag-utos ang pagpapaalis sa kanya sa pwesto.

Kalakip ang mga parusang habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyong pampubliko, cancellation of eligibility at pagwawalang-bisa ng retirement benefits.

Ngunit ang ginawa ni Garcia ay sinuway niya ang desisyon at nanatili sa pwesto hanggang June 2019 dahil hindi rin ipinatupad ng pamunuan ng Kamara ang kautusan.

Samantala, ang suspensyon ni Garcia ngayon ay para bigyang daan ang imbestigasyon kaugnay ng pagpayag niya sa isang kumpanya ng konstruksyon na magsimula ng proyekto kahit wala pa itong environmental clearance.

Si Garcia ay tinutulan naman ang naturang anim na buwang preventive suspension.

Ayon sa kanya, bagamat iginagalang niya ang proseso ng batas, hindi siya sang-ayon sa batayan at pangangailangan ng nasabing aksyon.

Ipinaliwanag niya na ang pagbibigay ng special permit sa Shalom Construction, Inc. noong Mayo 2024 ay bunga ng agarang pangangailangan na tugunan ang matinding kakulangan sa tubig na nakaapekto sa buong saklaw ng Metropolitan Cebu Water District, kabilang ang Cebu City at 7 iba pang lokal na pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top